MENSAHE MULA SA OBISPO
Sa malaking kagalakan, ipinapaabot ko ang aking taos-pusong pagbati sa mga lumikha ng Misa Kangkong. Ang napakagandang kalipunan ng mga awiting liturhiko na ito ay humuhugot ng inspirasyon mula sa mayamang kasaysayan ng Barrio Kangkong, na ngayo'y Barangay Apolonio Samson. Isa itong patunay ng malalim na pananampalataya ng mga tao at ng kanilang tapat na paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan.
Ang Misa Kangkong ay hindi lamang nagbibigay-pugay sa mahalagang bahagi ng ating kasaysayan ng pananampalataya, kundi ito rin ay nagsisilbing gabay sa ating patuloy na paglalakbay bilang sambayanang Kristiyano. Nawa'y ang bawat himig at liriko nito ay maging daluyan ng mas malalim na pagninilay at mas masidhing pagmamahal sa Diyos.
Nawa'y ang Misa Kangkong ay patuloy na maging inspirasyon at biyaya sa lahat ng mga mag-aawit, sa bawat parokya, at sa buong pamayanan. Idinadalangin ko nawa'y ang mga awitin sa songbook na ito ay maghatid ng kapayapaan at pagbabasbas sa bawat puso na makakarinig nito.
Sa pangalan ng ating Panginoong Hesukristo, pagpalain nawa kayo ng Diyos at patuloy na mag-alab ang inyong paglilingkod sa Kanya at sa bayan.